3 naggagandahang dilag mula Central Luzon, sasabak sa Miss Universe-Philippines 2023
By: Charlize Alexis Lee, CLTV36 Intern
Inilabas na ng Miss Universe Philippines noong Sabado, February 18, ang Top 40 candidates na maglalaban-laban para sa korona sa pageant na gaganapin ngayong 2023.
Kabilang sa 40 kandidata ay ang 3 kinatawan mula Central Luzon na hindi lang ganda at talino ang ipapakita ngunit pati ang kanilang talento, determinasyon, at puso para masungkit ang inaasam na titulo.
Kabilang sa 3 pambato ng rehiyon ay sina Princess Anne Marcos mula Bulacan na nagtapos ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa University of the Philippines Diliman.
Pasok rin si Christine Juliane Opiaza na tubong Zambales na nag-aral naman sa Lyceum of Subic Bay at isa ring host, model, at content creator.
Pambato naman ng Pampanga si Mary Angelique Manto na nagtapos ng kursong AB Communication Arts mula sa University of Sto. Tomas at nagtrabaho bilang courtside reporter ng ABS-CBN Sports and Action.
Nakatakdang ganapin ang Coronation Night ng Miss Universe-Philippines 2023 sa darating na Abril.
Ito na ang ikaapat na edisyon ng prestihiyosong beauty pageant na pumipili ng kandidata ng bansa para sa Miss Universe habang ito naman ang unang edisyon na pipili ng mga kandidata para sa Miss Supranational at Miss Charm Philippines.