10 nabiktima ng ‘basag-kotse’ sa kabila ng heightened alert ng PNP
City of San Fernando– Naka-heightened alert na ang buong puwersa ng Philippine National Police sa Gitnang Luzon kaugnay ng nalalapit na Holiday season.
“We escalate our alertness, hindi natin pinangungunahan ang nasa taas pero sa mga nangyayari ngayon we are still on our alert,” ani Brig. Gen. Valeriano De Leon ng PRO-III
Ngayon linggo sumalakay ang bukas-kotse gang sa Tarlac at Pampanga kung saan lampas sampung sasakyan ang nabiktima ng mga kawatan na hinihinalang mula sa iisang sindikato.
Sapat man umano ang nasa 13,000 puwersa ng pulis-CL, pinapayuhan pa rin ang lahat na magdoble-ingat.
“Kung pwede naman wag tayong mag-iiwan ng gamit sa loob ng sasakyan, baka kasi nag-iinvite pa tayo, hindi na nga tinted iniwan mo pa yung bag mo doon sana makisam rin kayo sa amin,” dagdag ni De Leon.
Magpapakalat na rin daw ng pwersa sa mga lugar na posibleng dayuhin ng publiko tulad ng palengke, malls at maging mga supermarket.
Muling ipinaalala ng PNP na kung kinakailangan talagang lumabas ay maghanap ng parking area na may CCTV camera o naka-posteng security guards.
Samantala…
Paulit-ulit naman ang Department of Health na bawal pa rin ang paglabas kung walang gagawing essential activity.
Hindi pa rin kasi nanawala ang banta ng COVID-19 transmission lalo na sa mga matataong lugar. | Ulat ni Reiniel Pawid/JYD
FOLLOW US on: