“Maging Positibo!” ni Jocelyn Obra | CLTV’s Best Feature Story – REGINA’s University-Wide Journalism Cup
Here’s our pick as the Best Feature Story from REGINA‘s University-Wide Journalism Cup:
“Maging Positibo!” ni Jocelyn Obra
Mahigit isang taon na pala? Higit isang taong mistulang presong nakakulong. Nakababagot diba? Kahit pa may mapaglilibangang selpon o telebisyon. Ika-30 ng Enero taong 2020 nang mapabalita ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Isang 38 anyos na Chinese mula Wuhan, China. Ika-7 naman ng Marso ng kaparehong taon nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng hawaan sa loob ng bansa. Dahilan upang magpatupad ng lockdown sa Metro Manila noong ika- 15 ng Marso at sa buong Luzon noong ika-17 ng kaparehong buwan. Ang dapat sana’y ilang linggong lockdown ay inabot ng mahigit isang taon. Nagsilbing napakalaking hamon sa lahat, sa aspeto ng pamumuhay, trabaho at kalagayang pang-ekonomiya. Ngunit biyaya ring maituturing ang pagpapatupad ng lockdown. Dahil nakatulong ito upang mas maging malapit at magkaroon ng oras sa isa’t isa ang bawat miyembro ng pamilya. At dahil bawal lumabas, kanya kanyang diskarte ang mga Pilipino maibsan lamang ang pagkabagot na nararamdaman. Tiktok dito, Tiktok doon. Netflix dito, Netflix doon. Ako ? Sinunod ko yung sinabi ni Pangulong Duterte na magbakasyon at mag-ikot ikot sa bahay. Nakarating ako sa South Kusina, North Kuwarto, Sala City at Banyo Beach. Sinubukan ko ring makipag-usap sa aking sarili, makipagtitigan sa mga pader sa bahay at bilangin kung ilang hakbang ang layo ng kwarto sa kusina. “Kailan kaya ito matatapos?” “Kailan kaya ako makakagala?” Mga tanong na walang siguradong sagot. Lahat nahihirapan, pero kailangan nating patuloy na bumangon at lumaban. Tandaan na mayroong bahagharing lumilitaw sa pagtatapos ng bawat bagyong dumadaan. Maging positibo!…….sa isip hindi sa sakit.
Watch the complete awarding ceremony here:
Assumptionists!
Let us witness the awarding ceremony of this year’s REGINA University-wide Journalism Cup with the…
Posted by Regina UA on Monday, 7 June 2021
CLTV is the Official Media Partner of REGINA, the Official Student Publication of the University of the Assumption.