RBC Media Group, muling kinilala ng PhilHealth Region 3
Muling kinilala ng PhilHealth Central Luzon ang kontribusyon ng RBC Media Group, sa pamamagitan ng CLTV36 at RW 95.1 FM, sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga programa, serbisyo, at benepisyo ng pamahalaan para sa kalusugan ng publiko.
Ginawaran ang CLTV36 ng Transformational Communication Award for UNA (Unified National Agenda for Health) bilang pagkilala sa suporta nito sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa DOH-PhilHealth UNA, YAKAP, at iba pang benepisyo para sa mga miyembro at stakeholder ng ahensya.

Samantala, pinarangalan naman ang RW 95.1 FM ng Exceptional Communication Award for UNA para sa mga hakbang nito sa pagpapalawak ng kaalaman ng publiko sa pamamagitan ng radio broadcasting at iba pang information initiatives.

Tinanggap ang mga parangal sa ginanap na PhilHealth Regional Office 3 Media Appreciation & Forward 2026 sa Queen Pia’s Place, City of San Fernando, Pampanga nitong Lunes, November 16.
Patuloy na nakikipagtulungan ang RBC Media Group sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa serbisyong pangkalusugan.
Kabilang dito ang programang PhilHealth D.R.I.P. ng CLTV36 na napapanood tuwing Huwebes, mula 7:30 hanggang 8:30 PM, at ang Alagang PhilHealth sa RW 95.1 FM, tuwing Martes at Huwebes, 4 to 5 PM. #
