₱50-M, pabuya para sa ikadarakip ni Sen. Bato dela Rosa
Nasa ₱50-million ang inilaang pabuya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa sinumang makatutulong sa pagdakip kay Sen. Bato dela Rosa.
Sa gitna ito ng patuloy na paghahanap sa kanya kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa madugong kampanya ng Duterte administration kontra droga mula 2016 hanggang 2018.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla na itinuturing na “armed and dangerous” si Dela Rosa.
Matatandaan noong May 14, bandang 2:30 AM, huling nakita si Dela Rosa na paalis ng Senate compound bago sumakay sa isang puting kotse kasama si Sen. Robin Padilla.
Noong May 20, ibinasura ng Korte Suprema ang hiling niyang pansamantalang pigilan ang pagpapatupad ng warrant. #
