Bigtime oil price hike, ipatutupad simula Sept. 8

Nakatakdang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, September 8, bunsod ng patuloy na pagtaas ng halaga ng langis sa world market.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ₱5.18 kada litro ang dagdag sa diesel. ₱4.69/L naman ang ipapataw na dagdag sa gasolina, habang ₱5.58/L sa kerosene.
Bunsod ng oil price hike at muling paglala ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, na posibleng makaantala ng daloy ng langis sa Strait of Hormuz.
Epektibo ang nasabing taas-presyo hanggang sa susunod na Lunes, September 14, ayon sa DOE.
Noong nakaraang Martes, September 1, nagpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis, kung saan ₱0.30-₱0.32/L ang ibinawas sa gasolina, ₱3.80-3.83/L sa diesel, at ₱3.80-3.84/L sa kerosene. #
