Laus Auto Services sa Pampanga, isa nang Tesla Approved Collision Center
CLARK FREEPORT ZONE — Opisyal nang itinalaga ng Tesla Motor Philippines Inc. ang Laus Auto Services Inc. (LASI) bilang isa sa mga Tesla Approved Collision Center sa bansa.
Dahil dito, maaari na silang mag-ayos at mag-rebuild ng mga sasakyan ng Tesla na naaksidente o nagtamo ng matinding pinsala mula sa banggaan.

Matatagpuan ang 1.9-hectares na pasilidad ng LASI sa Manuel A. Roxas Highway sa loob ng Clark Special Economic and Freeport Zone.
Mula nang maitatag ito noong 2019, kilala na ang LASI sa pagbibigay ng mga overall service sa mga sasakyan, body paint, at collision repair para sa iba’t ibang brand ng kotse.
Ipinagmamalaki ng LASI ang kanilang world-class facility na mayroong makabago at high-tech na kagamitan, pati na mga expert service technician. Sa katunayan, kasosyo ng LASI ang Car-O-Liner mula sa Sweden na isang nangungunang global provider ng mga kagamitan sa collision repair.
Sa tulong ng computerized body alignment equipment ng Car-O-Liner, kayang-kaya nitong ibalik sa dating porma at ituwid ang mga sasakyang nagtamo ng matitinding sira.
Bilang isang Tesla Approved Collision Center, sumailalim sa factory training ang mga tauhan ng LASI. Nilagyan din sila ng mga tamang kagamitan upang masigurong ang bawat gagawing Tesla ay maibabalik sa orihinal nitong specifications, partikular ang structural integrity at kalidad ng pintura nito.

Bukas ang Laus Auto Services Inc. mula Lunes hanggang Sabado, 8 AM hanggang 5 PM.
Para sa mga Tesla owner na nangangailangan ng kanilang serbisyo, maaaring gamitin ang official Tesla phone app para magpa-appointment, o kaya ay direktang makipag-ugnayan sa LASI Customer Care sa numerong +63908-819-8080. #
