Aeta scholar mula Porac, pasado sa 2026 Medical Technologist Licensure Examination
Nagbigay-inspirasyon sa komunidad ng mga katutubo si Rolan Popatco Jr., isang Aeta mula Brgy. Camias, Porac, Pampanga, matapos pumasa sa March 2026 Medical Technologist Licensure Examination (MTLE).
Kabilang si Popatco sa 7,838 na pumasa sa naturang pagsusulit, batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, March 11.
Naging posible ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng Educational Assistance Program ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), kung saan siya naging scholar.
Natapos niya ang kursong Medical Technology sa College of Our Lady of Mt. Carmel – Pampanga.
Ayon sa NCIP, sumasalamin ang tagumpay ni Popatco sa kahalagahan ng suporta sa edukasyon ng mga kabataang katutubo.
Bukod dito, nagsisilbi rin umano itong inspirasyon sa iba pang nais makapagtapos at magkaroon ng propesyon.
Isa si Popatco sa mga patunay na unti-unting dumarami ang mga katutubong Pilipino na nagtatagumpay sa iba’t ibang larangan. #
