Alex Eala, iba pang local bets, sasabak sa Philippine Women’s Open
Makakasama ng mga local tennis star ang ilang pandaigdigang pangalan sa gaganaping Philippine Women’s Open sa Rizal Memorial Tennis Center sa Maynila sa January 26 hanggang 31.

Makikibahagi sa torneo si Southeast Asian Games gold medalist Alex Eala, na umakyat sa kanyang career-best sa World Ranking na No. 49 nitong Lunes, January 12, matapos ang kanyang semifinals stint sa 2026 ASB Classic sa Auckland, New Zealand.
Gayunman, sasabay ito sa kanyang kampanya sa Australian Open mula January 18 hanggang February 1.
Bukod kay Eala, nakakuha rin ng wild card sa main draw ang Filipina tennis player na si Tenielle Madis, habang dalawa pang puwesto ang paglalabanan ng pitong local players sa isang playoff.
Kasama sa wild card playoff sina Tiffany Nocos, Stefi Marithe Aludo, Kaye Ann Emana, Elizabeth Abarquez, Justine Hannah Maneja, Niña Angeline Alcala, at Joana Victoria Peña na gaganapin mula January 12 hanggang 15.
Samantala, pangungunahan naman ng dating world No. 2 at Paris Olympics silver medalist na si Donna Vekic ng Croatia ang provisional entry list ng torneo.
Isasagawa ang qualifying rounds sa January 24 at 25 bago ang opisyal na simula ng kompetisyon. #
