Alex Eala at Bryan Bagunas, flag bearers ng Pinas sa 2025 SEA Games

Napili ng Philippine Olympic Committee (POC) sina tennis sensation Alexandra Eala at volleyball player Bryan Bagunas bilang flag bearers ng Pilipinas sa opening ceremony ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games.
Gaganapin ang kompetisyon sa Bangkok at Chonburi sa Thailand mula December 9 hanggang December 20, 2025.
Ayon sa POC, kapwa malaki ang naging impluwensiya ng dalawang atleta sa kanilang mga larangan sa international stage.
Gaya ni Eala na mabilis ang pag-angat bilang top-ranked Filipina tennis player, habang si Bagunas naman ay patuloy na umuukit ng pangalan sa men’s volleyball matapos ang makasaysayang kampanya ng Alas Pilipinas sa FIVB World Championship.
Tinatayang nasa 300 miyembro ang unang itinalagang delegado para sa opening ceremony, ngunit posible pa umano itong mabawasan.
Nasa halos 1,700 athletes pa rin kabuuang delegasyon na ipadadala ng Pilipinas sa SEA Games.
Binibigyang-diin ng POC na mahalaga ang pagpili ng flag bearer dahil ito ang nagsisilbing simbolo ng inspirasyon at determinasyon para sa buong delegasyon at kabataang Pilipino. #
