Senate records, ligtas matapos ang sunog sa Senado: Sotto
Tiniyak ni Senate President Tito Sotto na ligtas at hindi naapektuhan ang lahat ng Senate records, kabilang ang mga dokumento ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito ay matapos sumiklab ang sunong sa ikatlong palapag ng Senate building nitong Linggo, November 30.
Ayon kay Sotto, bandang 7:40 AM nang ideklarang under control ng Bureau of Fire protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa opisina ng Legislative Technical Affairs Bureau bandang 6:30 AM.
Dagdag pa ni Sotto, ang tubig umano na ginamit sa pag-apula ng apoy ay nagdulot ng pagtulo sa Session Hall dahilan upang ipagpaliban ang sesyon ng Senado ngayong Lunes, December 1.
Kabilang sa mga tatalakayin ngayong araw 2026 National Budget at ang Period of Amendments o ang paglalatag ng mga Senador ng panukalang amyenda o ang nais nilang idagdag o ibawas sa budget.
Skeletal staffing o alternative work arrangement muna sa ngayon ang pinapayagan sa mga opisina ng Senado habang isinasagawa ang paglilinis at pagsusuri sa gusali, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, Jr..
Samantala, magpapatuloy ang Senate session sa Martes, December 2, 1 PM. #
