Alice Guo, posibleng ikulong sa Correctional Institution for Women
Nakahanda na raw ang Bureau of Corrections (BuCor) na tanggapin si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.
Ito ay kung hindi aprubahan ang inihain niyang mosyon na manatili sa Pasig City Jail Female Dormitory matapos siyang hatulan ng life imprisonment sa kasong qualified human trafficking ng Pasig Regional Trial Court.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., pinaigting na ng BuCor ang seguridad sa CIW, kabilang ang deployment ng karagdagang Corrections Emergency Response Teams at on-call status ng lahat ng personnet upang matiyak na maayos ang pagtanggap kay Guo.
Pagdating sa CIW, dadalhin siya sa Reception and Diagnostic Center kung saan iko-confirm ang kanyang mga dokumento at belongings bago isailalim sa limang araw na quarantine.
Matapos ang quarantine, dadaan siya medical examination at 55-days na orientation at diagnostic sa RDC regular dormitory para matukoy ang kanyang physical and psychological needs.
Pagkatapos ng kabuuang 60 araw na proseso, ililipat siya sa kanyang permanenteng dormitory sa Maximum Security Camp. #
