5150 Triathlon, aarangkada sa Bataan sa Nov. 16

Exciting na aksyon ang hatid ng 5150 Freeport Area of Bataan o FAB Triathlon na gaganapin sa Mariveles ngayong Linggo, November 16.
Tampok dito ang isang bagong ruta na idinisenyo para subukin ang tatag ng mga triathlete habang ibinibida ang likas na ganda ng lalawigan.
Kabilang sa kakaharapin ng mga kalahok ang 1.5-kilometer swim, 40-kilometer bike course, at 10-kilometer run na daraan sa madamong parte ng kalsada.
Kasabay nito, ilulunsad din ang Sunrise Sprint, isang mas maikling bersyon ng triathlon na may 750-meter swim, 20-kilometer bike, at 5-kilometer run.
Target nitong hikayatin ang mga baguhan at naghahanap ng mabilisan na kompetisyon na makapasok sa mundo ng triathlon.
Malaking hakbang rin daw ito upang mas mapaunlad ang turismo at sports culture ng lalawigan. Umaasa silang taon-taon ay lalaki ang bilang ng mga sasali at ang Bataan ay tuluyang magiging regular host ng malalaking endurance races.
Para sa marami, ang 5150 FAB Triathlon ay higit pa sa panalo, podium finish, at karera. Ito rin ay pagkakataong patibayin ang mental strength at tuklasin ang ganda ng paligid ng probinsya ng Bataan. #
