27 contractors, pinagpapaliwanag ng Comelec sa 2022 campaign donations

Naglabas na ng show cause orders ang Commission on Elections (Comelec) laban sa 27 kontratistang pinaniniwalaang nagbigay ng campaign donations sa ilang kandidato noong May 2022 Elections.
Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:
- Yunakim Construction
- AIP Construction
- Centerways Construction and Development Inc.
- 11-16 Construction
- Prismodial Construction and Development Corporation
- Makiling Construction Ventures Corp.
- Viking Construction and Supplies
- DN’D Construction and Development
- Octagon Concrete Solutions Inc.
- Jozen Builders and Construction Supply Corporation
- Aqualine Construction Corporation
- R8 Asphalt Plant and Construction Inc.
- EZJONES Construction Inc.
- JELM Construction
- MWJ Construction
- XDR Construction and Supply
- Viguz Construction Corporation
- Everbuilt Construction
- GOC Builders
- PAFJ Construction and Supply Inc.
- AL Salazar Construction Inc.
- EF Chua Construction Inc.
- JWU Construction and Supply
- DG Chico Trading and Construction
- Gateway 21-25 Construction Corp.
- Tagum Builders Contractors Corp.
- GP&H Construction Incorporated
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, ipinadala na ang mga notice sa mga kumpanya nitong Lunes, November 3. Inaasahang magsusumite ang mga ito ng counter-affidavit sa loob ng 10 araw.
Idudulog sila sa Political Finance and Affairs Department upang opisyal na sagutin ang mga alegasyon.
Dagdag ni Garcia, susunod ding padadalhan ng show cause orders ang mga pulitikong tumanggap ng naturang donasyon.
Tumanggi muna siyang pangalanan ang mga kandidato, lalo na ang mga nasa puwesto, upang hindi magkaroon ng tensyon.
Matatandaang una nang pinadalhan ng show cause order si Senator Chiz Escudero nitong Oktubre dahil ito sa umano’y 30 milyong pisong natanggap niya mula sa isang construction company noong 2022 elections.
Ayon pa sa Comelec, 26 sa mga kontratista ay walang kaugnayan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Gayunpaman, posibleng may paglabag pa rin sa iba pang batas gaya ng franchise o iba pang ipinagbabawal na donasyon.
Tiniyak ni Garcia na magkakaroon ng pormal na pagdinig kung kinakailangan upang magkaroon ng malinaw na basehan ang posibleng pagsasampa ng kaso. #
