Cardinal David, itinalaga bilang titular ng Church of the Transfiguration sa Rome

Pormal nang itinalaga si Cardinal Pablo Virgilio David bilang titular ng Church of the Transfiguration of Our Lord Jesus Christ sa Rome nitong Linggo, October 19.
Sa isang seremonya, pinagtibay ang pagiging kasapi ni Cardinal David sa clergy ng Roma, na isang tanda ng kanyang ugnayan sa Santo Papa at sa Simbahang Katolika sa Italy.
Sa kanyang homily sa ginanap na misa, hinimok niya ang lahat na ipanalangin ang Pilipinas upang makamit nito ang kapayapaan sa gitna ng lumalalang galit ng publiko bunsod ng umano’y malawakang katiwalian sa pamahalaan.
Bukod dito, binigyang-diin din ng Kapampangan cardinal ang kahalagahan ng pagtitiyaga o perseverance sa usapin ng pananampalataya.
Aniya, hindi nagmumula sa simpleng pagpupursige ang lakas ng pananalig, kundi sa kapangyarihan ng Diyos na nananahan sa bawat mananampalataya.
Ang Church of the Transfiguration of Our Lord Jesus Christ ay itinayo noong 1936 sa Monteverde Nuovo district ng Roma.
Si David ang pangalawang kardinal na itinalaga rito, kasunod ni Cardinal Pedro Rubiano Sáenz ng Bogotá na pumanaw noong April 2024.
Matatandaang isa si David sa dalawampu’t isang bagong kardinal na itinalaga noong October 6 ng yumaong Santo Papa na si Pope Francis.
Habang pormal naman siyang napasama sa hanay ng College of Cardinals noong December 7 ng kaparehong taon. #
