Top most wanted, nahuli sa Minalin; 4 na iba pang suspek, timbog sa buy-bust operations sa Pampanga
By Ches Evangelista, CLTV36 News
Nahuli ang isang 21-anyos na suspek na kabilang sa Top 7 Regional, Top 5 Provincial, at Top 1 Municipal Most Wanted Person para sa kasong statutory rape.

Nadakip ang suspek sa isinagawang manhunt operations sa Barangay Sto. Rosario, Minalin, Pampanga, umaga nitong Martes, September 2.
Pinangunahan ng Minalin Municipal Police Station, 302nd Regional Mobile Force Battalion, Provincial Intelligence Unit – Pampanga, at Regional Intelligence Unit 3 ang operasyon.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng pulisya.
Samantala, apat na suspek naman ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Magalang at City of San Fernando nitong Lunes, September 1.




Naaresto sa Magalang ang isang 24-anyos na suspek, at nakumpiska sa kanya ang isang caliber .38 revolver at 54 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱911,000.
Nadakip naman sa City of San Fernando sina alyas “Soy” na isang high value individual, kasama sina alyas “Ram” at “Lando” na nasa kustodiya na ng San Fernando CPS. #
