Rescue unit ng San Fernando, finalist sa Gawad KALASAG Regional Awards

Pasok ang San Fernando Rescue Unit (SAFRU) sa Gawad KALASAG 2025 matapos mapili bilang regional finalist sa ilalim ng Best Government Emergency Management and Response Team (GEMs) category.
Ang Gawad KALASAG ang pinakamataas na pagkilala sa buong bansa na ibinibigay pagdating sa disaster risk reduction and management (DRRM) at climate change adaptation.
Kabilang sa mga sinuri ng validation team mula sa Office of Civil Defense (OCD) at Regional DRRM Council ang mga actual operation, documents, at program implementation ng SAFRU.
Pinangunahan ni City DRRM Officer Raymond Del Rosario ang presentasyon kasama ang mga kinatawan mula sa iba pang miyembro ng CDRRMC.
Ayon sa kanya, target ng SAFRU na muling masungkit ang prestihiyosong parangal na dati na rin nilang napanalunan.
Sa ngayon, hawak ng San Fernando ang “Beyond Compliant Seal” mula sa Gawad KALASAG noong 2024 na isa umanong patunay sa kahusayan ng Syudad pagdating sa disaster resilience. #
