Pamimigay ng medical assistance, layong pabilisin ng DSWD
Pormal nang inilunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Medical Assistance Through Guarantee Letter, katuwang ang Mercury Drug, sa mga piling lugar sa Central Luzon ngayong Lunes, June 30.

Layunin ng programa na mapadali ang pagkuha ng gamot para sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng “guarantee letter” mula sa DSWD.
Sa pakikipagtulungan sa Mercury Drug Central Luzon Distribution Center (CLDC), mas magiging abot-kamay na ang medical assistance lalo na sa mga walang kakayahang bumili agad ng gamot.

Ayon sa DSWD Region 3, ang inisyatibong ito ay higit na nakatuon sa pagpapalalim ng malasakit at kahusayan sa serbisyo para sa publiko.
Ipinahayag din ng pamunuan ng Mercury Drug na buo ang suporta nila sa programang naglalayong tiyakin na walang maiiwan pagdating sa kalusugan. #
