Free medical services, handog ng PhilHealth Konsulta Caravan sa Tribong Magbukun sa Bataan
Mahigit 90 members ng Tribong Magbukun ang nakiisa sa ginanap na PhilHealth Konsulta Caravan sa Sitio Kanawan, Barangay Binaritan, Morong, Bataan nitong Biyernes, June 20.

Lahat sila ay nabigyan ng mga gamot, free consultation, at iba pang serbisyong pangkalusugan gaya ng immunization vaccine para sa mga bata; gayundin ang pagrehistro sa PhilHealth at Konsulta benefits ng ahensya, pati na ang pagbibigay ng PhilHealth ID.

Nagkaroon din ng talakayan ukol sa PhilHealth Konsulta, mga benepisyo nito, at iba pang paraan upang maiwasan o magamot ang sakit ng mga katribo. Target ng caravan na ibahagi ang mga benepisyo at serbisyong pangkalusugan sa mga nasa liblib na lugar at iba pang panig ng probinsya ng Bataan.

Nagbigay-serbisyo sa mga miyembro ng Tribong Magbukun ang PhilHealth Bataan sa pangunguna ni Edmond M. Manuel, Dr. Hanna Christina P. Clemente ng Municipal Health Office (Doctor to the Barrio, MHO), Rural Health Unit (RHU) Morong, mga Barangay Health Worker (BHW), nurses, midwives, at Local Government Unit (LGU). #
