10 sa 11 kandidato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, pasok sa winning circle: OCTA survey
By Acel Fernando, CLTV36 News
Sa latest pre-election survey ng OCTA Research na isinagawa mula April 20 to 24— nanguna sa survey si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na may 52.7% voter preference, na sinundan ni dating Senate President Tito Sotto na may 42.3%. Kasama rin sa listahan sina Sen. Pia Cayetano (39.1%) at Sen. Bong Revilla (38.1%).
Hindi rin nalalayo ang suporta kina Makati Mayor Abby Binay (37.6%), Sen. Lito Lapid (35.6%), dating senador Ping Lacson (34.3%), Rep. Camille Villar (31.9%), Manny Pacquiao (29.1%), at dating DILG Secretary Benhur Abalos (28.5%).
Tanging si Sen. Francis Tolentino lamang ang hindi umabot sa Top 12, matapos makapagtala ng 25.2%.

Ayon sa OCTA, nananatiling mahigpit ang labanan lalo na sa 9th-12th spot, at maaaring magbago ang ranggo sa nalalabing araw bago ang eleksyon, depende sa turnout ng botante, kampanya, at mga political alliance.
Samantala, bagama’t hindi miyembro ng alyansa, tumabla si Sen. Bong Go kay Erwin Tulfo sa unang pwesto na may 56.8% voter preference.
Kabilang naman sa mga non-Alyansa candidate na pasok din sa winning circle sina Ben Tulfo (40.2%), Bam Aquino (31.4%), Willie Revillame (30.4%), Sen. Imee Marcos (28.9%), Rodante Marcoleta (27.8%), at Kiko Pangilinan (26.3%).
Isinagawa ang survey sa 1,200 registered voters sa buong bansa, gamit ang face to face interviews. Mayroon itong ±3% margin of error at 95% confidence level. #
