Tulfo, 9 pang kandidato ng Marcos admin, pasok sa “Magic 12” ng Pulse Asia Survey
By David Peña, CLTV36 News intern
Nanguna sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, habang siyam pang kandidato mula sa slate ng administrasyon ni Pres. Ferdinand Marcos, Jr. ang itinuturing na posible ring manalo.
Batay ito sa naging resulta ng January 2025 Nationwide Survey ng Pulse Asia kaugnay ng midterm elections sa darating na Mayo.
Narito ang buong listahan ng “probable winners” kung ang halalan ay gaganapin ngayon base sa mga pinili ng mga botante:
1. Rep. Erwin Tulfo, 62.8% (solo first rank)
2. Sen. Bong Go, 50.4% (2-3)
3. Former Sen. Tito Sotto, 50.2% (2-4)
4. Ben Tulfo, 46.2% (3-8)
5. Sen. Pia Cayetano, 46.1% (4-8)
6. Sen. Bong Revilla, 46% (4-8)
7. Imee Marcos, 43.3%, (4-12)
8. Ping Lacson, 42.4%, (4-12)
9. Willie Revillame, 41.9% (7-13)
10. Bato dela Rosa, 41.2% (7-14)
11. Abby Binay, 41.1% (7-14)
12. Manny Pacquiao, 40.6% (7-14)
13. Camille Villar, 38.4% (9-14)
14. Lito Lapid, 37.7% (10-14)

Makikita sa resulta na tanging sina Go, dela Rosa at Imee Marcos, kasama ang TV personality na si Revillame, ang hindi kabilang sa senatorial slate ng Marcos, Jr. administration na pasok sa survey.
Noong una, kasama si Sen. Marcos sa listahan ngunit kalaunan ay inalis din. Ganunpaman, nilinaw ng campaign manager ng Marcos, Jr. admin na si Navotas Rep. Toby Tiangco nitong February 8, 2025 na wala siyang plano na palitan siya sa admin slate.
Samantala, kabilang din sina dating Interior Secretary Benhur Abalos at Senator Francis Tolentino sa slate ng administrasyon, ngunit hindi sila nakapasok sa naturang survey ng Pulse Asia.
Isinagawa ang survey mula January 18 hanggang 25 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,400 respondents na nasa 18 taong gulang pataas.
Mayroon itong ±2% margin of error sa 95% confidence level. #