Lalaki, inaresto matapos magbenta ng sigarilyo sa isang menor de edad sa Sta. Ana
By Neriza Mann, CLTV36 News intern
Arestado ng Pampanga Police Provincial Office (PPO) ang 42-anyos na lalaki matapos siyang mahuli na nagbebenta ng sigarilyo sa isang menor de edad sa Brgy. Sta. Lucia, Sta. Ana, Pampanga nitong Lunes, February 3.
Nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya upang makumpirma ang ilegal na aktibidad na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/image-3-873x1024.png)
Nakumpiska mula sa kanya ang sampung kahon ng RGD cigarettes na nagkakahalaga ng ₱180,000, ₱5,000 cash, isang sasakyan na may plate number NCU 9614, at isang android phone.
Ang suspek at ang mga nakumpiska ay dinala sa Sta. Ana Municipal Police Station para sa proper documentation at legal proceedings. #