Benepisyo para sa ASD, maaaring i-avail sa PhilHealth
Ipinagdiriwang simula January 19 hanggang January 25 ang Pambansang Linggo ng Kamalayan sa Autism.
Sineselebra ang natatanging galing at kakayahan ng mga taong mayroong autism, gayundin ang pagkilala sa kanilang potensyal na walang limitasyon.
Ano nga ba ang Autism Spectrum Disorder o ASD?
Ayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ito ay isang neurodevelopmental disorder na nakakaapekto sa pag-iisip, ugali, at komunikasyon ng isang tao.
Gayunpaman, mayroong mga indibidwal na may ASD ang may iba-ibang kakayahan gayundin ang kahinaan.
Ipinapaalala rin ng health insurance ang benepisyo na maaaring i-avail para sa may childhood autism; ito ay may halagang ₱15,210.
Para sa karagdagang impormasyon o detalye, maaaring tumawag sa 24/7 hotline ng PhilHealth na (02) 8662-2588 o bisitahin ang kanilang website na www.philhealth.gov.ph.