Paghuhukay at paglilinis sa mga ilog, target simulan upang maibsan ang pagbaha sa CSFP
Sisimulan na ang paghuhukay at paglilinis sa mga ilog sa Syudad ng San Fernando, Pampanga kasunod ng malawakang clean-up sa mga daluyan ng tubig sa lugar.
Ayon kay Governor Dennis ‘Delta’ Pineda, nakita sa on-the-ground assessment at drone shots ng Kapitolyo na silted at makipot na ang mga kanal sa Syudad. May mga illegal structure din umano na nagpakitid sa mga sapa at ilog.
Kaugnay nito, nagpulong ang Pamahalaang Panlalawigan, mga kapitan ng CSFP, ang Department of Public Works and Highways (DPWH), at Megaworld Corp. nitong Lunes, January 13.
Pinili rito ang mga barangay na magiging prayoridad sa gagawing paghuhukay. Aabot sa 5,570 meters ng ilog at sapa na sakop ng Brgy. Del Pilar, Magliman, San Felipe, San Juan, at San Nicolas ang target hukayin sa mga susunod na araw gamit ang mga backhoe ng Kapitolyo at National Irrigation Administration (NIA). May pondo ring inilaan dito na nagmula sa DPWH.
Dagdag ni Gov. Pineda, paghahanda ito sa rainy season at upang mapabilis ang paglabas ng tubig-baha sa Syudad.