3 katao sa Aurora, nasawi dahil kay Bagyong Pepito; state of calamity, nakataas na sa lalawigan
Tatlo katao sa bayan ng Dipaculao, lalawigan ng Aurora ang kumpirmadong patay bunsod ng pananalasa ng Super Typhoon Pepito.
Ito ang ibinahagi ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa kanilang situational report on the effects of TCS Nika, Ofel, and Pepito as of 9 AM ng November 21, 2024.
Maliban sa tatlong nasawi, dalawa katao rin sa munisipalidad ng Dilasag sa Aurora pa rin ang nasugatan sa kasagsagan naman ng Bagyong Nika.
Ayon pa sa RDRRMC, dalawa katao sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija ang nawawala at kasalukuyan pa ring pinaghahanap as of press time.
Umabot naman na sa mahigit ₱12.1-million na halaga ng tanim na palay sa Aurora at Tarlac ang napinsala ng mga nagdaang bagyo.
Bunsod ng mga pinsala, isinailalim na ng provincial government sa state of calamity ang Aurora batay sa rekomendasyon ng PDRRMC.