4-day workweek, ipatutupad para sa mga gov’t employee sa Mexico, Pampanga simula Nov. 4
Inanunsyo ng Mexico, Pampanga LGU ang pagpapatupad ng 4-day Compressed Workweek para sa piling departamento na magiging epektibo sa darating na Lunes, November 4, alinsunod sa Executive Order No. 74 at Municipal Resolution No. 155-2024.
Ang bagong workweek ay Lunes hanggang Huwebes, simula 7:00 AM hanggang 6:00 PM.
Layunin ng schedule adjustment na mapabuti ang kalagayan ng mga empleyado dahil sa mga hamon na kanilang hinaharap dulot ng climate change.
Nais din umano nito na mabawasan ang problema sa trapiko bunsod ng ongoing construction at infrastructure developments sa munisipalidad.
Sa kabila nito, tiniyak ng LGU na mananatiling operational ang mga pangunahing serbisyo, kabilang ang pagtugon sa sakuna at mga serbisyong pangkalusugan.
Narito ang listahan ng mga departamento na kabilang sa 4-day workweek:
- Office of the Municipal Mayor
- Office of the Municipal Vice Mayor
- Office of the Sangguniang Bayan
- Office of the Municipal Treasurer
- Office of the Municipal Accountant
- Office of the Municipal Budget Officer
- Office of the Municipal Human Resources Management Officer
- Office of the Municipal Planning and Development Coordinator
- Office of the Municipal Agriculturist
- Office of the Municipal Assessor
- Office of the Municipal Civil Registrar
- Office of the Municipal Engineer
- Office of the Municipal Social Welfare and Development Officer
- Office of the Municipal General Services Officer (except sweepers and garbage collectors)
- Office of the Municipal Legal Officer
- Office of the Municipal Environment and Natural Resources Officer (except MRF)
- Office of the Municipal Public Employment Service Officer
- Office of the Municipal Tourism Officer
- Office of the Municipal Population Commission, Gender and Development Officer
- Office of the Municipal Information Officer
- Office of the Municipal Local Youth Development Officer
- Person with Disability Affairs Office
- Senior Citizens Affairs Office
Samantala, mananatili naman sa karaniwang schedule (Lunes-Biyernes, 8:00 AM – 5:00 PM o anumang pre-approved 24/7 schedule) ang fieldwork employees, gayundin ang mga empleyadong nasa frontline services, health at emergency response tulad ng:
- Mexico Community Hospital
- Rural Health Units – I to V
- Local Risk Reduction Management Office
- Traffic Management Office
- Garbage Collection Unit and Street Sweepers
- Public Market Administration Office
- Material Recovery Facility
- Heavy Equipment Operators and Drivers