Filing ng Certificate of Candidacy, magsisimula na sa Oct. 1
By Mikaella Manasan, CLTV36 News internÂ
Magsisimula na sa October 1 hanggang 8 ang filing ng Certificate of Candidacy ng mga nais tumakbo para sa Local at National Elections 2024.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), kabilang sa mga posisyong ito ang mga senador, district representatives, governor, vice-governor, provincial board-member, mayor, vice-mayor at mga konsehal.
Kinakailangan din daw ng mga kandidato na maghain ng kanilang Certificate of Nomination (CONA), Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) at ng Affidavit of Qualifications of Nominees.
Samantala, mula November 4 hanggang 9, 2024 ang paghahain ng COC para sa mga kinatawan ng distrito ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), partikular na sa lalawigan ng Lanao del Sur, Maguindanao, Basilan at Tawi-Tawi.
Paalala pa ng poll body, sa November 9 ang huling araw ng filing para sa List of Nominees and Certificate of Acceptance of Nomination with Affidavit of Non-Affinity of Regional Parliamentary Political Party (RPP) o Coalition at ng Manifestation of Intent to Participate in the Parliamentary Elections (MIP-PE).
-30-