fbpx
NEWS Guests Blog Bataan News

Higit 60 kabataan sa Balanga City, nakiisa sa pagtatanim ng bakawan

BATAAN— Isang mangrove tree-planting activity at coastal clean-up ang isinagawa sa Balanga City Wetlands and Nature Park ngayong umaga ng Sabado, November 4.

Pinangunahan ito ng Young Bataeños for Environmental Advocacy Network (YoungBEAN) at Nuclear/Coal Free Bataan Movement katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Tortugas at City Tourism Office ng Balanga.

Bahagi ang aktibidad sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda na kumitil sa mahigit 6,000 buhay at sumira ng milyon-milyong halaga ng mga ari-arian.

“Ang mga bagyo at kalamidad ay patuloy na kumikitil ng buhay, kung kaya ang pagharap dito ay urgent. Kailangan natin tiyakin na ang kinabukasan ng ating mga kabataan ay hindi mamemeligro dahil sa ating kapabayaan at kawalang aksyon ng mga namumuno sa pamahalaan sa ating bansa at sa buong mundo,” ani Enrique Beren, ang secretary-general ng YoungBEAN.

Mahigit 60 kabataan mula sa YoungBEAN at 20 iba pa na miyembro ng Community FARMC sa pamumuno Tortugas Brgy. Captain Roda dela Cruz ang nakiisa sa aktibidad.

Ayon sa YoungBEAN, nais nilang ipaalala sa publiko ang halaga ng mga mangroves o bakawan bilang proteksyon sa coastal erosion, daluyong at tsunami.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?