9 na drug suspect, timbog sa Bulacan; isa pa, arestado sa gun-bust ops sa San Ildefonso
By Ches Evangelista, CLTV36 News
Timbog ang siyam na suspek sa magkakahiwalay na drug-bust operations sa Bocaue, Meycauayan, Baliwag, San Ildefonso, at Norzagaray nitong Martes, December 16. Parte ito ng kampanya kontra ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.



Nasamsam sa mga suspek ang labinlimang (15) sachet ng hinihinalang shabu na may halagang ₱76,425, kabilang ang buy-bust money.
Dinala ang mga salarin at nakuhang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa legal na proseso at posible silang kasuhan sa ilalim ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, arestado naman ang isa pang suspek na residente ng Purok 6, Brgy. Bagong Barrio, San Ildefonso, Bulacan sa isinagawang gun-bust operation ng Municipal Police Station sa Brgy. Maasim.Â

Nakumpiska sa kanya ang isang caliber .38 revolver na walang serial number, tatlong pirasong live ammunition, at isang itim na leather holster. Nasamsam din ang ₱1,000 na buy-bust money at apat na pirasong fake boodle money.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala na sa San Ildefonso MPS, habang ang suspek ay kakasuhan sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. #
