61 sasakyan, inihatid ng Foton Metro Clark sa Valenzuela LGU
VALENZUELA CITY – Maituturing na early Christmas gift mula sa Valenzuela City LGU ang 42 mini dump trucks at 19 animal control trucks na ipinamahagi sa 33 barangay.
Ipinagkaloob ang mga naturang sasakyan sa ilalim ng ‘Win Serbisyo Trucks’ program ni Senator Win Gatchalian.
Malaking tulong umano ang mga truck para sa iba’t ibang aktibidad at proyekto sa siyudad. Gagamitin ito bilang pangkolekta ng basura at paglalagyan din ng mga mahuhuling stray animals gaya ng aso at pusa.
“multi-purpose yan magagamit ‘pag may kalamidad pwede rin panghakot ng goods sa relief center,” ani Gatchalian.
Tiniyak naman ng service truck provider na Foton Metro Clark na garantisadong dekalidad ang kanilang mga sasakyan.
Mula sa makina hanggang sa pinakamaliit na detalye ng mga na-i-turnover na sasakyan, siguradong pang matagalan umano ang serbisyo ng mga ito.
Dahil sa unti-unti pagbangon ng ekonomiya mula sa dagok na dulot ng COVID-19 pandemic, naniniwala ng Foton Metro Clark na isa ang transportasyon sa magiging tulay sa economic recovery ng bawat lugar.
Bukas umano ang kanilang tanggapan para sa iba pang LGU upang makapagbigay ng kaparehong service vehicle assistance na kanilang naipaabot sa lungsod ng Valenzuela.
Ang Foton Metro Clark ay pag-aari ng Laus Group of Companies na siyang may-ari rin sa CLTV36.
#Foton #ServiceVehicle #ValenzuelaCity #MultiPurpose
FOLLOW US on: