6 na pamantasan sa Central Luzon, pasok sa AppliedHE Public University Ranking ASEAN 2026
By Acel Fernando, CLTV36 News

Anim na pamantasan mula sa Central Luzon ang napabilang sa AppliedHE Public University Ranking ASEAN 2026, isang talaan ng mga kinikilalang unibersidad sa South-East Asia.
Kabilang sa mga nakapasok ang:
Central Luzon State University – 82nd
Philippine Merchant Marine Academy – 89th
Aurora State College of Technology – 93rd
City College of San Fernando, Pampanga – 99th
Nueva Ecija University of Science and Technology – 103rd
Tarlac Agricultural University – 104th
Sa kabuuan, 21 pampublikong unibersidad mula sa Pilipinas ang kasama sa naturang ranking.
Ang AppliedHE ASEAN ay isang university ranking system na pinangangasiwaan ng AppliedHE, isang Singapore-based company. Layunin nitong magsilbing gabay ng mga estudyante at magulang sa pagpili ng mga unibersidad.
Sinusuri sa ranking ang iba’t ibang aspeto tulad ng kalidad ng pagtuturo, kakayahan ng mga graduate na makahanap ng trabaho, pananaliksik, at pakikilahok ng paaralan sa komunidad. #
