6.5 hectares na lupain sa GMA Kabukiran, gagamitin para sa kabuhayan ng mga Aeta

Nilagdaan ng Clark International Airport Corporation (CIAC) at Provincial Government ng Pampanga ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa paggamit ng 6.5 hectares na lupain sa GMA Kabukiran sa Prince Balagtas Avenue.
Ilalaan ang lupain sa mga livelihood program para sa mga Katutubong Aeta mula sa Mabalacat City, na magbibigay sa kanila ng trabaho at mas matatag na kinabukasan.
Ayon sa Kapitolyo, ang partnership ay bahagi ng adbokasiya ng pamahalaan para sa food security at local development, sa pakikipagtulungan sa CIAC.
Dumalo sa MOA signing ang Department Heads ng Kapitolyo bilang suporta sa proyektong maghahatid ng oportunidad sa mga residente ng lalawigan.
Tiniyak ng parehong panig ang kanilang kooperasyon para sa kapakanan ng komunidad sa paligid ng Clark Civil Aviation Complex. #
