5 katao, sugatan sa pagsabog ng water tank sa Candaba; 5 bahay, nawasak din
Nabulabog ang mga residente ng Barangay Mangga, Candaba, Pampanga bunsod ng malakas na pagsabog sa pumping station ng PAMANA, ang water utility provider sa lugar.
Batay sa ulat ng Pampanga Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nangyari ang insidente bandang alas-singko ng madaling araw nitong Biyernes, May 30. Pumutok umano ang water tank sa pasilidad na nagresulta ng pagkakasugat ng ilang indibidwal at matinding pinsala sa mga kalapit na ari-arian.


Sa ulat ng PDRRMO, apat na katao ang nagtamo ng minor injuries at nakalabas na mula sa pagamutan habang isa katao pa ang naka-confine matapos magtamo ng multiple rib fracture.
11 na bahay rin ang hindi nakaligtas sa pagsabog ng tangke ng tubig kung saan apat ang tuluyang nawasak habang isa naman ang partially-damaged.
Sa kabuuan, aabot sa 101 individuals mula sa 24 na pamilya ang apektado sa nangyaring trahedya. Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang Candaba MDRRMO para matulungan ang mga biktima.


Inirekomenda rin ang pagsagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng pagsabog, gayundin ang pagbibigay ng temporary shelter sa mga nawalan ng tahanan dahil sa insidente. #
