4 na sexual predators, arestado
By MC Galang, CLTV36 News
Apat na Most Wanted Persons (MWPs) ang hinuli ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa Bulacan, Tarlac, at Zambales nitong Linggo at Lunes, June 1 at 2. Parte ito ng pagpapaigting ng Anti-Criminality Campaign ng Police Regional Office 3 (PRO 3).
Unang naaresto si Joseph Paraiso, 20 years old, sa Brgy. Sto. Rosario, Malolos City dahil sa kasong Statutory Rape.

Arestado rin sa dalawang kaso ng Statutory Rape at isang kaso ng Rape by Sexual Assault ang 59 years old na si Felix Paglinawan na taga-Capas, Tarlac. Parehong walang piyansa ang mga nabanggit na kaso ng dalawang suspek.

Samantala, hapon nito ring Linggo, June 1, nang mahuli si Renato Fernandez, na mula Sta. Cruz, Zambales, dahil sa kasong Acts of Lasciviousness. ₱180,000 ang itinakdang piyansa para dito.

Nitong Lunes, June 2, inaresto si Steven Alarcon, 23 years old at taga-Sta. Maria, Bulacan, sa parehong kaso. Haharap din siya sa kasong Rape na walang piyansa.

##
