39 indibidwal, arestado sa iligal na pagbebenta ng SIM card sa entrapment operation ng PNP-ACG
Umabot sa 39 na indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong buwan ng Enero dahil sa di umano’y iligal na pagbebenta ng mga Subscriber Identity Module (SIM) cards.
Ayon kay ACG Acting Director Brig. Gen. Bernard Yang, nadakip ang mga suspek sa magkakaibang entrapment operation na ikinasa na kanilang opisina mula January 1 hanggang 31.
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/476484283_1050970680401644_1150137635592139120_n-1-1024x460.jpg)
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/475976017_1050217277143651_2246906463065598019_n-1024x543.jpg)
Bahagi raw ito ng kampanya ng kanilang tanggapan laban sa online na bentahan ng mga hindi rehistradong SIM cards na ginagamit sa iba’t ibang uri ng cybercrime.
Kabilang sa mga naaresto ang isang menor de edad na kasalukuyang nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bukod dito, nasabat din ng mga otoridad ang 7,900 na SIM cards na iligal na ibinebenta online, kung saan 19 sa mga ito ang natuklasang aktibo at konektado sa iba’t ibang e-wallets at bank accounts.
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/476104169_1050977413734304_8368313860457209028_n-1024x479.jpg)
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang mga nadakip na indibidwal, gaya ng paglabag sa Republic Act 11934 o ang SIM Registration Act at RA 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act, na parehong may kinalaman sa Cybercrime Prevention Law.
![](https://cltv36.tv/wp-content/uploads/2025/02/476491350_1050971737068205_7260728450322984533_n-1024x458.jpg)
Samantala, nito lamang Lunes, February 3, isang 15-anyos na babae ang nahuli rin ng pulisya sa isang entrapment operation sa Bocaue, Bulacan dahil sa kaparehong kaso ng iligal na pagbebenta ng SIM cards. #