fbpx
CLTV36 Bulacan News

30,000 na bahay planong itayo sa Bulacan sa ilalim ng Housing Project ng Pamahalaan

Tinatayang aabot sa 30,000 housing units ang planong ipatayo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa lalawigan ng Bulacan.

Ito’y matapos pangunahan ng Pangulo at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mega groundbreaking ng anim na housing projects sa nasabing lugar sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program nitong Miyerkules, April 19.

Kabilang sa mga ito ay ang ‘Rising City Residential Project’ na itatayo sa Brgy. Gaya-Gaya sa City of San Jose Del Monte.

Ito ay siyam na 8-storey buildings na may initial na target na 1,890 housing units at isang commercial complex sa loob ng 6.9 ektarya ng lupain.

Sa pitong ektaryang lupain sa Brgy. Caingin sa San Rafael naman planong itayo ang San Rafael Heights Development Project na inaasahang umanong lilikha ng 3,920 residential condominium units.

Walong 10-storey residential buildings sa dalawang ektarya ng lupa na may 1,920 housing units ang ipatatayo sa Mom’s Ville Home Owners Association Inc. sa Brgy. Penabatan sa bayan ng Pulilan.

Nasa 4,050 housing units din umano ang itatayo sa 12 ektaryang Pandi Terraces sa Brgy. Bagong Barrio, Pandi.

108 na pabahay naman ang ipatatayo sa dalawang ektarya ng lupa para sa Municipal Government of Guiguinto Employees Housing sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto at 675 housing units sa 2.6 ektarya ng Pambansang Pabahay Para sa Maloleño Program ang itatayo sa Brgy. Santor, Malolos City.

Layon umano ng proyektong ito na mabigyan ng sariling tahanan ang mga Bulakenyo.

Samantala, una nang inihayag ng Malacañang na target ng umano ng kasalukuyang administrasyon na makapagpatayo ng 1-M pabahay kada taon hanggang sa taong 2028 upang makamit ang housing unit target na aabot sa 6.5-M.

Want to get featured here on CLTV? Click here.
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?