27 barangay sa Pampanga, nakakuha ng 2024 Seal of Good Local Governance
Binigyang pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Central Luzon ang ilang mga barangay sa lalawigan ng Pampanga.
Batay ito sa ipinakita nilang kahusayan sa pamamahala at pagiging national passers sa ilalim ng 2024 Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) ng DILG Central Office.

Kabilang sa mga kinilalang barangay sa piling bayan at munisipalidad ng Pampanga ang mga sumusunod:
ARAYAT
- Batasan
- Cupang
BACOLOR
- CalibutbutÂ
- Macabacle
- Maliwalu
CANDABA
- Talang
FLORIDABLANCA
- Calantas
- San Jose
GUAGUA
- San Antonio
LUBAO
- Baruya
- Dela Paz
- Santiago
MEXICO
- San Jose Matulid
CITY OF SAN FERNANDO
- Baliti
- Del Pilar
- Dela Paz Sur
- Lourdes
- Pandaras
- Quebiawan
- Saguin
- Santo Rosario
SANTO TOMAS
- Moras De La Paz
- San Bartolome
- San Matias
- San VicenteÂ
- Santo Rosario
- Sapa
Samantala, 166 pang barangay sa Central Luzon ang tumanggap din ng SGLG nitong nakaraang taon.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 2024-068 ng DILG, kinakailangang maipasa ng bawat kalahok na barangay ang tatlo sa Core Governance Areas: ang Financial Administration and Sustainability, Disaster and Preparedness, at ang Safety, Peace, and Order.
Bahagi rin ng kwalipikasyon ang pumasa sa isa sa tatlong Essential Governance Areas, kabilang ang Social Protection and Sensitivity, Business-Friendliness and Competitiveness, at Environmental Management.
Ang Seal of Good Local Governance for Barangay ay isang performance assessment at recognition system na binuo upang kilalanin ang mga barangay na nagpamalas ng outstanding leadership sa iba’t ibang governance areas. #