25 eskwelahan sa Central Luzon, kalahok sa World University Rankings for Innovation 2025

25 unibersidad at kolehiyo mula sa Central Luzon ang nagpasa ng kanilang entries para sa 2025 World University Rankings for Innovation (WURI) noong Enero.
Bahagi ito ng pagtugon sa hamon ng Commission on Higher Education Regional Office III (CHEDRO III) na pataasin ang pangalan at visibility ng higher education institutions (HEIs) sa rehiyon pagdating sa international rankings.
Kabilang sa mga pamantasan at kolehiyo na lumahok ay ang mga sumusunod:
• Aurora State College of Technology
• Bataan Peninsula State University
• Bulacan Agricultural State College
• Bulacan State University
• Central Luzon State University
• Don Honorio Ventura State University
• Nueva Ecija University of Science and Technology
• Pampanga State Agricultural University
• President Ramon Magsaysay State University
• Tarlac Agricultural University
• Tarlac State University
• Angeles University Foundation
• Holy Angel University
• La Concolacion University Philippines
• Maritime Academy of Asia and the Pacific
• National University – Baliwag
• National University – Clark
• Our Lady of Fatima University – Pampanga
• Systems Plus College Foundation, Inc.
• Wesleyan University – Philippines
• City College of San Fernando, Pampanga
• Gordon College
• Limay Polytechnic College
• Mabalacat City College
• Polytechnic College of Botolan
Ang mga nabanggit na institusyon ay nagpasa ng kanilang entry batay sa 16 na kategorya ng WURI. Ito ang student support and engagement, student mobility and openness, industrial application, entrepreneurial spirit, crisis management, ethics and integrity, technology development and application, SDG-based responses to global challenges, visionary leadership, empowerment-based management, Environmental, Social, Governance (ESG) trend, culture/values, funding for sustainability, infrastructure/technologies, cost-effectiveness management, at university brand and reputation.
Ayon kay Dr. Lora L. Yusi, Director IV ng CHEDRO III, nagsisilbing daan ang WURI upang maipakita ng mga akademikong institusyon ang kanilang educational innovation.
Kaugnay nito, siniguro rin niya na mas paiigtingin pa ng kanilang opisina ang suporta na kanilang ibinibigay sa mga kolehiyong nasasakupan para sa mga inobasyong isasagawa nito.
“CHEDRO III remains committed to sustaining the momentum for innovation and fostering collaboration across the region’s higher education institutions. Our role is to provide a platform for our HEIs to thrive and excel,” ani Dr. Yusi.
Nakatakdang lumabas ang resulta ng WURI 2025 sa June 10, 2025.
Ang World University Rankings for Innovation (WURI) ay nagtataya at tumitimbang sa HEIs sa buong mundo batay sa nagiging ambag nito sa lipunan, higit lalo pagdating sa edukasyon at pananaliksik. #