2026 budget, walang dagdag pondo para sa flood control: PBBM
Walang bagong pondo para sa flood control projects sa 2026 national budget, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
Sa kanyang latest podcast nitong Lunes, September 8, ipinaliwanag niya na may nakalaan pang ₱350 billion mula sa 2025 budget na hindi pa nagagamit kaya’t iyon na lamang umano ang gagamitin para ipagpatuloy ang ibang mga proyekto.
Tiniyak naman ng Pangulo na magpapatuloy ang flood control programs, ngunit dadaan ito sa mas mahigpit na pagbusisi para matiyak ang wastong paggastos, maayos na disenyo, at tamang implementasyon.
Binalaan din niya ang mga kontratista na sila mismo ang dapat gumastos sa pag-aayos ng mga palpak na proyekto bago makakuha ng panibagong kontrata.
Dagdag pa ni Marcos, tanging budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang rerepasuhin habang mananatili ang ibang bahagi ng 2026 National Expenditure Program (NEP). #
