2025 Noche Buena Price Guide, inilabas ng DTI; Presyo ng higit 100 items, hindi nagbago
Nakahanda na raw ang Department of Trade and Industry (DTI) na gabayan ang mga mamimili sa kanilang Noche Buena shopping ngayong papalapit na ang Pasko.
Sa inilabas na 2025 Noche Buena Price Guide ng ahensya, saklaw nito ang mahigit 200 products na karaniwang inihahain tuwing Christmas Eve. Sa bilang na ito, mahigit 100 ang may kaparehong presyo noong nakaraang taon.
May ilan ding tumaas o bumaba ang presyo, kabilang ang ilang sikat na ham at queso de bola, dulot ng mas mataas na gastos sa sangkap, packaging, at paggawa.


Gayunpaman, nanatiling abot-kaya ang maraming produkto gaya ng fruit cocktail na naglalaro sa ₱61 to ₱93; spaghetti pasta sa ₱32 to ₱115; spaghetti sauce sa ₱39 to ₱108; at tomato sauce sa ₱16 to ₱92.
Epektibo ang naturang price guide hanggang December 31, 2025, ayon sa DTI.
Pinayuhan din ang mga consumer na planuhin ang kanilang pamimili at gamitin ang guide upang makaiwas sa sobrang gastos ngayong Kapaskuhan. #
