2 bata, patay nang makulong sa isang kotse sa Olongapo City
Nasawi ang dalawang apat na taong gulang na magpinsan matapos makulong sa loob ng isang sira at abandonadong kotse sa isang bakanteng lote sa Olongapo City nitong Miyerkules, April 8.

Batay sa imbestigasyon ng City Police Station 6, bandang 11 AM nang pumasok ang mga bata sa naturang sasakyan, ayon sa kuha ng CCTV. Pinaniniwalaang hindi na sila nakalabas matapos itong maisara.
Dakong 2 PM naman nang makita ang mga biktima sa loob. Isinugod pa ang isa sa ospital na anilaāy may pulso pa nang matagpuan, ngunit nasawi rin kinagabihan.
Sa ulat ng pulisya, napag-alamang nasa trabaho ang magulang ng mga bata nang mangyari ang insidente at naiwan lamang sa pangangalaga ng kanilang nakatatandang pinsan.
Hindi rin umano nagpaalam ang dalawa bago nagtungo sa sasakyan.
Ayon sa mga otoridad, bukas ang driverās side ng kotse. Ngunit sinabi ng may-ari na naka-lock umano ito, kayaāt nagtaka siya kung paano nakapasok ang mga bata.
Samantala, pinayuhan na ng pulisya ang car owner na agad alisin ang sasakyan sa lugar upang maiwasan ang kaparehong insidente. #
