19 na unibersidad sa Central Luzon, kabilang sa Best Universities in the World ng EduRank

Kinilala sa EduRank’s 2025 List of Best Universities in the World ang 19 Higher Education Institutions (HEIs) sa Central Luzon kung saan anim sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Pampanga.
Sa Facebook post na inilabas ng Commission on Higher Education Regional Office 3 (CHED RO 3), kabilang sa mga unibersidad na napabilang sa listahan mula sa naturang probinsya ang mga sumusunod:
- Angeles University Foundation
- Holy Angel University
- University of the Assumption
- Don Honorio Ventura State University
- Republic Central Colleges – RCC
- Guagua National Colleges, Inc.
Habang kasama rin dito ang ilan pang institusyon sa Region 3 tulad ng:
- Central Luzon State University
- Bulacan State University
- Nueva Ecija University of Science and Technology
- Tarlac Agricultural University
- Bulacan Agricultural State College
- Tarlac State University
- Bataan Peninsula State University
- Aurora State College of Technology – ASCOT
- Meycauayan College
- Wesleyan University-Philippines
- Baliuag University
- La Consolacion University Philippines
- President Ramon Magsaysay State University
Ayon sa CHED RO 3, ang pagkakasama ng 19 HEIs sa prestihiyosong listahang ito ay patunay ng dedikasyon at pagsusumikap ng mga guro, mananaliksik, mag-aaral, at kawani ng administrasyon.
Ang EduRank ay isang komprehensibong platform na kumikilatis sa mga unibersidad sa buong mundo batay sa iba’t ibang sukatan, kabilang ang research performance, non-academic prominence, at alumni influence. #