14 na suspek, arestado sa Pampanga dahil sa iligal na droga, iba pang krimen
Labing apat na indibidwal ang inaresto ng Pampanga Police Provincial Office (PPO) sa magkakahiwalay na operasyon na kanilang ikinasa nitong Lunes, November 18.
Pito sa mga ito ang inaresto dahil sa ilegal na droga kabilang ang isang 51-anyos na lalaki mula sa bayan ng Masantol. Nahuli ang suspek sa isang drug buy-bust operation at nasamsam sa kanya ang mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱1,904.
Apat na indibidwal naman ang nahuli sa isang “pot session” sa Mabalacat City kung saan nakumpiska sa kanila ang mga drug paraphernalia at replica weapons.
Isang 24-anyos na lalaki rin ang inaresto sa bayan ng Mexico dahil sa possession of illegal drugs na nagkakahalaga ng ₱3,400. Habang nahuli naman ang isang 39-anyos na lalaki sa bayan ng Apalit at nakumpiska sa kanya ang isang homemade firearm at ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱1,360.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong may kinalaman sa droga.
Samantala, arestado naman ang apat na indibidwal sa bayan ng Magalang dahil sa ilegal na sugal. Nasamsam sa kanila ang mga baraha, gayundin ang ₱4,060 na cash.
Habang sa hiwalay na operasyon, apat na wanted ang nahuli ng kapulisan kabilang ang isang 31-anyos na lalaki sa bayan ng Minalin na inaresto dahil sa acts of lasciviousness. Isang 57-anyos na lalaki rin ang nahuli sa San Simon dahil sa violation of child protection laws; 53-anyos na babae ang inaresto sa Porac dahil sa check violations, at isang 57-anyos na lalaki ang nahuli sa Lubao dahil sa qualified theft.
-30-