13 undocumented Chinese nationals, PLA-like uniforms, natunton ng PH Coast Guard sa isang barko sa Bataan
13 undocumented Chinese nationals ang natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang dredger vessel sa Bataan.
Batay sa incident report ng PCG, nangyari ang insidente sa Cabcaben, Mariveles noong Lunes, November 26, 2024.
Bukod sa 13 Chinese nationals, arestado rin ang dalawang Filipino crew members at isang Chinese agent.
Ayon sa PCG, magsasagawa sana sila ng pre-departure inspection sa Harvest 89 dredger vessel bago ito tumulak patungong San Felipe, Zambales, subalit tumanggi ang agent ng barko sa pasakayin sila.
Dito na raw nagduda ang mga personnel ng PH Coast Guard kaya kanilang hinalughog ang barko na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga hindi dokumentadong dayuhan.
Nakakita rin ang PCG ng military uniform na kagaya ng mga ginagamit ng People’s Liberation Army ng Tsina kaya lalong nakakabahala umano ang intensyon ng mga undocumented Chinese nationals na kanilang nahuli.
Sasampahan na ng kasong paglabag sa Section 37 E ng Philippine Immigration Act ang 13 undocumented Chinese nationals. Kakasuhan din ang dalawang Pinoy at ang Chinese agent.
Dagdag pa ng PCG, nakakulong ngayon sa kanilang detention facility ang mga naarestong indibidwal.