11 party-lists, inaasahang mananalo sa halalan; ACT-CIS, nanguna sa survey: OCTA Research
By Karylle Garcia, CLTV36 News intern
11 party-list groups ang nangunguna at inaasahang makakakuha ng pwesto sa Kamara sa darating na May 12 midterm elections, batay sa resulta ng March 2025 Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA research na inilabas nitong Lunes, April 14.
Umarangkada sa unang puwesto ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) party-list matapos makakuha ng 8.75% sa survey na isinagawa mula March 18 hanggang 24 at nilahukan ng 1,200 respondents.

Sinundan ito ng Tingog (5.77%), 4PS o Pagtibayin at Palaguin and Pangkabuhayan Pilipino (5.40%) at Ako Bicol (4.20%). Inaasahang makakakuha ng tig-tatlong puwesto sa Kamara ang bawat isa sa mga nangungunang grupo, alinsunod sa panuntunan ng party-list system kung saan hanggang tatlong kinatawan ang maaaring maitalaga depende sa dami ng botong makukuha.
Malaki rin ang posibilidad na makakuha ng tig-dalawang pwesto sa Kongreso ang Senior Citizens party-list (3.70%) at Galing sa Puso (3.40%). #