100 Balacat trees, itinanim sa Mabalacat City bilang parangal sa lungsod
By: Elijah Lozano & Glenn Sarmiento, CLTV36 Interns
100 Balacat trees ang itinanim nitong March 01 upang bigyan ng parangal at balikan ang kasaysayan ng Mabalacat City, Pampanga.
Ang Balacat na may scientific name na Ziziphus Talanai ay isang uri ng matayog at matinik na puno kung saan hinango ang pangalan ng lungsod ng Mabalacat.
Bahagi ng week-long celebration ng Balacat Festival ang tree planting activity na ginanap sa Hauslands Subdivision, Brgy. Mabiga.
Kabilang sa mga nakiisa sa pagtatanim ng mga puno ng Balacat ang mga empleyado ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna ng City Tourism at City Environment and Natural Resources Offices, ang Hausland Group, mga mag-aaral ng Mabalacat City College, at iba pang stakeholders.
Ayon kay Mayor Cris Garbo, simboliko ang turang aktibidad dahil pagpapakita ito ng pagpapahalaga sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng lungsod.
Nangako naman ang The Hauslands na kanilang pangangalagaan ang Balacat Park para sa komunidad.