10 institusyon at organisasyon sa CL, wagi sa 2024 PQA Regionalization Program

Kinilala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang iba’t ibang institusyon at organisasyon sa buong bansa sa katatapos lamang na 2024 Philippine Quality Award (PQA) Regionalization Program.
Dahil ito sa ipinamalas nilang husay at commitment sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo at pamumuno sa kanilang nasasakupan.
Kabilang sa mga recipient ng naturang award mula sa Region 3, para sa Level 1 at Level 2, ay ang mga sumusunod:
RECOGNITION FOR COMMITMENT TO QUALITY MANAGEMENT (LEVEL 1)
- Angel Farmers Gourmet Food Corp.
- Angeles City Local Government
- Department of Education (DepEd) – Schools Division Office of Aurora
- Department of Labor and Employment (DOLE) – Bataan Field Office
- Don Honorio Ventura State University
- JVF Center for Technical Studies and Assessment, Inc.
- Philippine Carabao Center at Central Luzon State University (CLSU)
RECOGNITION FOR PROFICIENCY IN QUALITY MANAGEMENT (LEVEL 2)
- La Consolacion University Philippines
- Pampanga State Agricultural University
Ang PQA Regionalization Program na alinsunod sa DTI Department Administrative Order 22-12 ay nagsisilbing stepping stone para sa mga pampubliko at pribadong sektor o institusyon sa bawat rehiyon tungo sa prestihiyosong Philippine Quality Award.
Samantala, ang Philippine Quality Award ang pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng DTI. Katumbas ito ng pinakatanyag na Baldrige Performance Excellence Program sa Amerika at iba pang national quality awards sa buong mundo. #