1-CEBU, buo ang suporta kay Camille Villar sa NLE 2025
By Acel Fernando, CLTV36 News
Opisyal nang inendorso ng One Cebu (1-Cebu) party, sa pangunguna ni Cebu Governor Gwen Garcia, si Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar bilang isa sa kanilang sinusuportahang kandidato sa Senado para sa 2025 National and Local Elections.

Sa isang pagtitipon nitong Miyerkules, April 9, itinaas ni Garcia ang kamay ni Villar bilang pagpapakita ng suporta. Kasama rin sa aktibidad ang 31 alkalde na miyembro ng One Cebu.

Nagpasalamat naman si Villar sa ipinakitang suporta at binigyang-diin ang kanyang hangaring isulong ang mga programang may kaugnayan sa paglikha ng trabaho, pagtutok sa kababaihan, financial literacy, at tulong sa maliliit na negosyo.
Bilang bahagi ng kanyang kampanya, binisita ni Villar ang Cebu kasama ang kapatid na si Senador Mark Villar. Ang Cebu ang may pinakamalaking bilang ng rehistradong botante sa Region 7, na may higit 3.7 milyon mula sa kabuuang 4.7 milyon sa rehiyon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).