₱69K na halaga ng shabu, nakumpiska sa buy-bust sa Mabalacat City
Arestado ang 7 indibidwal sa loob ng hinihinalang makeshift drug den sa Ilang-Ilang St., Pineda Subdivision, Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga.
Nakumpiska mula sa mga ito ang crystal meth o shabu sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Tarlac at Pampanga Provincial Office nitong Martes, February 21.

Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na sina Robinson Danao, Aladin De Leon, Myline Ancheta, Charlie Mariano, Robert Cuta, Jeffrey Fernandez, at Daniel Reyes.
Nakuha sa operasyon ang 3 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 10 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱69,000.
Nasamsam din ng mga otoridad ang drug paraphernalia at ang buy-bust money.

Sasampahan ang mga naarestong suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.