₱300-K livelihood support, ipinamahagi sa 17 samahan sa Aurora
Tinatayang aabot sa ₱5.1 million ang kabuuang halaga ng livelihood projects na ipinamahagi sa 17 Sustainable Livelihood Program Associations sa Baler, Aurora sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA Program.

Bawat samahan ay tumanggap ng ₱300,000 bilang suporta sa kanilang mga isasagawa o ilulunsad ng livelihood project.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Region 3, inaasahang mapalalago ng naturang pondo ang lokal na industriya, partikular sa agrikultura at turismo, at mapalalakas ang kabuhayan ng mga benepisyaryo.
Dinaluhan ang nasabing awarding ceremony ng ilang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan Aurora kabilang sina Governor Engr. Isidro Galban at Vice Governor Patrick Angara.
Layon ng PAMANA Livelihood Project na magbigay ng pangkabuhayan sa mga komunidad at people’s organizations na apektado ng sigalot at mabawasan ang sanhi ng mga tensyon sa pamamagitan ng community-led projects. #
